Note: Must be viewed using FIREFOX
Ragnarok, not just a game…
Medyo matagal-tagal naring panahon simula noong unang naglaro ako ng pRO. Madami na akong na-experience, nakasalamuha, nakilala, nakaaway at naging kaibigan. Nagsimula ako noon sa Fenrir Server at nang lumabas ang Thor Server ay agad akong lumipat doon. Sa dami ko ng “moments” dito sa laro na to, gusto ko sa inyong ibahagi ang tatlo sa hindi ko makakalimutang “Ragnarok Moments.”
#3 Ragnarok Moment on my list: Fenrir Server 61-70 – Ang Barkadahan
Noong unang pasok ko palang sa 61-70 PvP room ng Fenrir, agad akong sinalubong ng isang Extrimity Fist galing sa isang aggressive na character. Nainis ako at sinabi ko sa sarili na babawian ko yun. Ngunit pagbalik ko ay nag-sorry ang pumatay sakin, paraan lamang daw nila iyon upang i-welcome ang mga bagong
Masaya ako at madami akong naging karanasan dito. Nagkaroon ako ng mga kaibigan, kakwentuhan, kaaway at katambayan. Hindi ko makakalimutan ang mga nangyari samin noon, naaalala ko pa nang minsan ay may dumating na isang guild na ginawa upang kami ay paalisin sa 61-70, pero hindi nagtagumpay ang kanilang mga
Gumagawa din kami ng mga activities, nag-oorganize kami ng 9on9 at parang mala-RPC championship ang labanan. Napakasaya talaga. Pero hindi lahat ng bagay ay maaaring magtagal…
Hindi nagtagal at onti-onting naging ghost room ang 61-70. Pakonti ng pakonti ang mga dumadalaw na tao, karamihan sa mga kabarkadahan naming noon ay umalis na upang ipagpatuloy ang kanyang buhay na hindi kasama ang pRO. Hanggang sa isa o dalawa na lamang ang kadalasang tambay dito. Dumating ang Thor Server, lumipat ako sa Thor sa kadahilanang nawala ang mga kaibigan ko sa 61-70.
Hindi ko makakalimutan ang mga Extrimity Fist kong natanggap, ang Soul Destroyer na pumatay sakin at ang mga kaibigan kong laging nagiintay sa akin na mag-online para lamang makipagkwentuhan at sama-samahang makipag PvP sa invaders ng 61-70.
Narito ang isang video slide ng mga “moments” ko sa 61-70… Ang Barkadahan
#2 Ragnarok Moment on my list: Justice Guild – Thor Server – My Family
Ang Guild System ang isa sa pinakamagandang feature ng Ragnarok Online. Dito kadalasang nagsisimula ang magandang samahan ng mga players sa kapwa players. Nandiyan ang guild upang sama-samang mag-WoE, magbosshunt, o di kaya ay magchat lamang.
Isang araw sa Thor, ako’y naghahanap ng masasalihang guild. Nagpunta ako ng Prontera, Morroc at
Ang Justice na pinamumunuan ng isang striktong Guild Master ay kasalukuyang lumalaban para makapasok sa RPC2007. Sama-sama kaming nagsisiege, to make history, make Justice proud and to prove that even a small guild like us could make a difference.
Minsan ay may Boss Huting Session ang Justice at sama-samang pinapatay ang mga boss tulad nila Lord of Death, Eddga at iba pa. Minsa’y may quest session kami at sabay-sabay na ginagawa ang isang quest at nagtutulungan.
Sa Justice ko nakilala ang mga mabubuti kong kaibigan ngayon. Lagi silang nandyan kapag may problema ako at may kailangan ako. Handa silang tulungan ang mga nangagailangan ng hustisya este tulong. Nandiyan ang Justice League este Guild para ako’y pasayahin at makinig saking mga hinaing.
Justice will always prevail. No Bots, All Glory. Ilan lamang iyan sa mga motto ng Justice.
Oo nga pala, kilang kilala ang Justice sa pagiging Anti-Botter Guild nito, Justice ang kelangan ng mga “fair” players tulad ng mga players sa Thor.
Sa hirap at sa ginhawa, sa bug at sa lag ang Justice ay laging sama-sama.
Ito ang video slide na ginawa ko noong araw na nasira ang database ng thor, kasalukuhang may YM conference kami noon habang ginagawa ko ito.
#1 Ragnarok Moment on my list: Arla`, Calaii`, Hyperbole`, etc etc XD
Kaibigan, ito ang pinakamagandang naibigay sakin ng pRO.
Lahat tayo ay may nakikilalang kaibigan, best friend, good friend, close friend, boyfriend at girlfriend. Pero ako, meron akong special friend.
June 26, 2007, Para Ordenance and Arla` got married… Such a wonderful moment.
Ito ang tatlo sa mga treasured moments ko sa pRO. Masarap balik-balikan, talagang hindi ko malilimutan ang mga moments na ito.
RO has been a part of my life and will be a part of it forever.
Once again, Ragnarok Online… Not just a game~!
Thank You Waukster for sponsoring a blog contest like this where we can share and also read each other's memorable moments.



No comments:
Post a Comment