Friday, February 29, 2008

11 Faces of Maki, a proof of versatility.

From the yamaki forums by elinovy. I changed some pictures though.

1. Flirty-Cute Maki
















2. Evil Maki

















3. Angel Maki

















4. Dumb-Funny Maki













5. Smart-Serious Maki

























6. Sexy-Hot Maki










7. Boyish Maki
























8. Sexy-Naughty Maki



















9. Mysterious-Weird Maki










10. Nerd Maki















11. Rich-Lovely Maki



















Shows how really versatile she is!!!

Maki is soooo addicting XD

Friday, February 22, 2008

Always - Sunset on Third Street


Another great movie indeed with Horikita Maki in it. Kakatapos ko lang panoorin. The movie was a tear-jerker.

Always - SoTS is about the interweaving story of the residents from some Tokyo street during 1958 (after the WW2), while Tokyo Tower is being built. Hindi na ako magdadagdag pa ng info tungkol dito to avoid spoilers! Hehehe...

I thought the movie will revolve around the story about Mutsuko (Horikita Maki), that's why I decided to watch it. (Cuz Maki's in here!!!). But then, eventhough the story isn't about her, nanood parin ako kasi nandoon din naman si Maki-chan. =))

So that's it. I recommend this movie for everyone. Mas ok sana kung japanese yung makakapanood dahil tungkol ito sa mga japanese familiy after the war at kung papaano nakabangon ang mga japs after the world war 2. May comedy din sya at madaming drama.

You can watch it at crunchyroll.com

And oh yeah, meron nga pala itong sequel pero hindi ko pa napapanood. Still waiting for the Dvds to comeout so the subbers can do their jobs and upload them somewhere~!

Maki will rule the world!!!

Thursday, February 21, 2008

Rag-na-rok!

Oh well yeah. Ragnarok. The game I've been playing for a very long time now. Started playing it when I was in 3rd year HS until now. Still playing it. But not loving it anymore.

I don't know why. Remeber that last post about ragnarok issue?

Umaandar nanaman ang pagkatamad/pagkasawa/pagayaw ko sa RO. Siguro dahil naglalaro ako ngayon ng starcraft or sadyang nakakatamad lang this past few days. Katapusan na ba ito ng pagraragnarok ko? Hindi siguro. Tingnan natin kung babalik ang adrenaline rush ko sa RO next week dahil may new patch na dadating. Dadating ang Veins Patch!!! We will see... We shall see...

Yes, I'm bored. I am hell bored with the game.

This week, Veins episode was patched into Valhalla along with the 4x modified exp. So my plan for the week is to make my character reach level 98. It is not an easy task to do, but not that hard too. But it is challenging. So I decided not to attend my classes for today to give ragnarok another chance. I don't care about my classes today because its boring, listening to discussions for hours kills me. So yeah, I am absent right now.

Killing monster, smashing the "pots hotkey", slashing, whacking and dying. That's my daily life when leveling. I have enjoyed those times before, but now? Not anymore. I was thinking that I should have attended my classes, mas masaya pa siguro dun sa school. Bilang na siguro ang araw ko sa pagraragnarok. Not now but soon. I don't know when.

Can't find that adrenaline rush anymore. The excitement is gone. Tapos na ang pagiging adeek.

Lahat ng bagay ay matatapos at matatapos din. Hindi lang natin alam kung kailan ito mangyayari. Ngayon? Mamaya? Bukas o sa Makalawa?

Buti na lang at may blogpost para sa mga ganitong bagay. I feels good blogging about random thoughts.

Wednesday, February 20, 2008

Nakakabadtrip

Nakakabadtrip po yung araw ngayon. Yun lang po.


Friday, February 15, 2008

Hana Kimi ulit (5th and possibly the last post for today)

Nagdodownload ako ng Hana Kimi series ngayon gamit ang bittorent. Napanood ko na ito eh, kaya lang nagdownload ako para mapanood ko ulit at para malinaw at maganda ang quality ng video.

Next siguro na idownload ko ay Nobuta Wo Produce, pero napanood ko na din to. Same reasons lang din kung bakit ko idodownload.

I'm planning on making a review on this series dahil favorite ko talaga to. Gawin ko kayang project to sa comski class namin. Hahaha...

Ragnarok Issues (4th post)

Last few days, may isang issue na bumulabog sa Justice / Valhalla. Nabalitaang patay na daw ang isang guildmate namin. Madami ang na shock sa balitang ito. Madaming nagluksa, madaming nagduda. Dahil ang balitang ito ay pawang gawa-gawa lamang ng kung sino man.

Hindi pa patay ang guildmate namin, sa katunayan ay nagdate sila kahapon ni King Arthur para mapatunayan na buhay pa sya. At buhay nga sya!

-----
Umaandar nanaman ang pagkatamad/pagkasawa/pagayaw ko sa RO. Siguro dahil naglalaro ako ngayon ng starcraft or sadyang nakakatamad lang this past few days. Katapusan na ba ito ng pagraragnarok ko? Hindi siguro. Tingnan natin kung babalik ang adrenaline rush ko sa RO next week dahil may new patch na dadating. Dadating ang Veins Patch!!! We will see... We shall see...

Loyalty or Truth? (3rd post)

May kwento ako sa inyo. Ganito yun.

May contest na magaganap ang mga 1st year colleges dito sa school namin. Dance contest ito na dapat salihan ng bawat klaseng kumukuha ng PE na 1st year.

Ang klase ng G1A (klase ko yan) ay kasali dito. May rule na dapat sundin ang mga sasali. Isang rule dito ay ang bawal mag-hire ng Dance Instructor para turuan ang klase na magsayaw. Pero itong G1A ay matigas ang ulo. Nag-hire sila ng dance instructor para maturuan ang klase sa magaling at magandang pagsayaw.

Isang araw, habang nagprapraktis ang G1A. May isa na kumuha ng video habang nagprapraktis ang G1A kasama ang DI. Video ng video itong taong ito dahil may plano siya.

So ayun, dumating ang kinabukasan, PE time na. Nagsumbong ang taong ito sa PE teacher na nag-hire ng DI ang klase habang pinapakita nya ang video na nakuha niya bilang ebidensya na nag-hire nga ng DI ang klase. Nagalit ang teacher, syempre nagalit din ang G1A dahil may nantraydor sa kanila at ang nantraydor sa kanila ay galing din mismo sa G1A.

Tama naman ang ginawa nung nagsumbong diba? Mali na nag-hire ng DI ang G1A, at hindi naman mali na ipagkanulo ang kanyang mga kaklase dahil katotohanan naman ang kanyang sinabi. Nais lang siguro nung nagsumbong na maghiganti sa klase, or ayaw niyang mandaya ang kanyang klase. Maraming dahilan pa siguro.

Cheaters don't succeed. ^^

School Fair 2007-2008 (2nd post)

School fair namin ngayon. De La Salle Lipa's 46th foundation week. First time ko maranasan ang fair ng college at ito ang masasabi ko.

Boring
Boring dahil nakakatamad ehehe. Kasi walang magawa sa school kaya lumalabas kami ng school para maggala na lang or mag starcraft, tekken, magpahangin, kumain, maupo at maglakad.

Malamig
Sobrang hangin samin ngayon. Siguro late ang cold months at dahil late din siguro nagkasnow sa ibang bansa kaya ngayon malamig sa Pinas.

Maingay
Sobra daming sound system na nagkalat at napakaingay. Isama mo pa yung daldalan ng mga estudyante, busina ng mga sasakyan pati mga nagpapatugtog ng kanilang cellphone at ipods/mp3 players.

Walang Kwenta.
Oo walang kwenta haha. Wala kang magagawa kundi gumastos (sabi nga ni boris). Kawawa daw kasi wallet ni boris at mabuti pang wag na lang pumasok at matulog sa bahay para tumaba ang wallet. Eh ako hindi naman masyado nagastos pero napapagastos padin. Ang lakas mo kasi gumastos eh~!!! heheh

Bukas ang katapusan ng School Fair. At balak kong hindi na pumasok....

Nakalimutan kong may blog ako. (1st post for today)

Wahaha nakalimutan ko na itong blog ko. Ngayon ko lang naalala na hindi ko na nauupdate 'tong si blog-ni-emman. Kawawa naman kaya ngayon ay gagawa ako ng multiple posts for today. Bawat topic siguro ay may kanyang post so start na tayo sa next post hehehe...