"Ber months" na, malapit na ang pasko! haha
Hahaha anyway, wala ako maisip na topic na maisulat, at naalala ko lang din ang elementary days ko kaya iyon na lang ikwekwento ko dito sa blog.
Here it goes,
Sa Canossa Academy ako nag-elementary, lapit lang kasi sa bahay namin, paglabas ng bahay namin ay kita na ang school at 2min walk lang sya. Kaya hindi ko naranasan ang mag service, ihatid, sunduin dahil naglakakad lang naman ako, nauwi pa nga ako pag lunch eh.
Grade 1:
Saint's ang mga section sa Canossa, St. Dominic ako noon at wala ako masyado maalala noong grade1 ako, class officer ako noon at hindi ko na tanda kung anong posisyon.
Grade 2:
Nako d ko maalala section ko nung grade 2 haha nabura na yata sa ala-ala ko ang pagiging grade2.
Grade 3:
Ayan medyo may memory ako tungkol sa pagiging grade 3 ko. St. Rose of Lima ako noon at adviser ko si Mrs. Matanguihan, class vice-president din ako nung grade 3. Lagi ako naglalaro noon ng touching/tanching ball ba yun? Tapos gerbase at kung ano ano pa. Best friend ko noon ay si Marco, kaso nawala na sya eh, nagpunta ng Canada. Basta ang alam ko noon masaya ako nung grade 3, tambayan ko ay sa may lobby kasi malapit doon ang classroom namin. Favorite din ako ng mga teacher noon, hehehe. At si ano nga pala, classmate ko noon hahaha. Tapos nasa uhanan ako nung field demonstration wahehe, kakahiya pero ayos naman ang performance yeah!
Grade 4:
Ala, hindi ako naging masaya noong ng grade 4 ako. St. Bartholomew ako noon at ang adviser ko ay si Mrs. Baguilat. Nakaaasar maging Class President ng isang napakagulo at madaming pasaway na klase. Nakakaiyak, nakakaiyak talaga dahil ang hirap maglead. AMF! Kaya yan, tinatamad ako pumasok at madami ako absents dahil nga nakakaiyak ~_~. Pero nakaraos din naman, nahirapan talaga ako nung grade 4, sa classmates, ala ako friend, hayy hehe. Oo nga pala sabi sakin ng adviser gumamit daw ako ng Kamay na Bakal, pero d parin kinaya.
Grade 5:
St. Paul, si Mrs. Mapoy. Masaya, natapos na ang paghihirap at Class Treasurer na lang ako, nakakilala ako ng mga mabubuting kaibigan, sina Sancho at Ern. Madaming naging experience, nacandidate ng Mr. Ecology haha pero talo. Naintroduced ako sa mundo ng Pokemon Cards, naadik, tuwing free time eh tambay kami dun sa labas ng corridor o kaya dun sa tapat ng pinto ng classroom tapos maglalaro ng Pokemon Cards. Masaya din naging fieldtrip ko noon dahil nag-enjoy eh haha. Masaya, masaya. Hmm ano pa ba, ayun taga-gawa nga pala ako noon ng mga love letters ng mga classmates ko, ako kasi marunong gumawa noon ng greeting card sa computer. Kaya lagi may lalapit akin, "Emman, pagawa naman ng ano o, para kay ano haha!" Kaya dami ko alam ng secrets noon tungkol dyan na si ano ang secret admirer ni ano /gg!" Tapos ayan, napasali ako noon ako sa varsity ng soccer dahil nirecruit ako ni EJ. Nagtry-out ako then pasok agad kaya tuwing hapon, pag hindi ako nagpopokemon cards eh nasa field ako nagtatakbo.
Grade 6:
Yeah, graduation ng elementary. Noong grade 6 ako madaming friends isa na dun sila, Joey, Godfrey(Dodong), Patrick at Melvine, saka pati na yung mga Adelina girls. St. Luke at si Ms. de la Cueva ang adviser. Madami akong classmate ng kapitbahay ko, pati nga adviser kapitbahay ko eh. Ang tamabayan ko noon ay sa pintuan ng TLE building, maganda kasi doon at konti ang tao mahangin at malamig pa, ganda pa ng view dahil nasa tapat ng back garden. Tuwing, umaga hindi ako sa classroom napunta kundi doon, sa tanghali at reccess nandun parin. Pagtanong samin, bat kami lagi nandoon ang sagot namin ay "binili na namin to eh! haha." Tapos may hide-out pa kami sa 3rd floor noon, sa ilalim ng hagdan, yung hagdan na yun ay short cut papunta sa 2nd floor kaso sarado na yun, kaya inayus namin at nilagyan ng kung ano ano, dito din kami nagtatago ng mga kung ano ano din at tumatambay kapag sawa na kami dun sa may TLE building. Nakagraduate din at masaya hehe. Treasurer parin pala ako ng klase.
Isama na din natin ang 1st year Highschool dahil Canossa pa din ako noon, at parang elementary padin eh.
1st yr HS.
St. Columban at si Mrs. Carpio ang adviser. Madaming new faces galing sa ibang school. Maayos naman, at Treasurer nanaman ako! Sarap mangurakot! Joke lng. Naalala ko noon na napasali ako sa Battle of the Bands, basta na lang ako na recruit eh at tinanggap ko naman para may excuse sa klase at hindi makasali sa cheer dance haha. Kami lang yung banda na Freshies noon at ang mga kalaban namin ay mga 3rd/4th yrs at mga galing pa sa ibang school. Guess what? Nakachamba kami ng 3rd place out of 6 o 7 yata yung sumali. Ano! talo sila ng freshies! Ako ang tumugtog ng keyboards, H20 name ng banda namin. Noong 1st yr ang tambayan namin ay dun sa corridor o kaya sa tapat ng classroom, nakahara sa pinto. Para akong sekyu haha. Then naranasan ko na pag-agawan ng babae. Oo, hindi ko alam pinagiinteresan pala ko :O kaya pala ganun yung dalwang yun tapos ehh parang ako pa yung sinusuyo amf. Pero ala ako panahon noon eh, kaya na dedma sila. Tapos eh natatandaan ko si Ezek sinaksak ng ballpen sa kamay yung kaklase ko dahil nagulat nung nahagisan ng gagamba! Tapos ay ayun, mabait sakin mga kaklase ko pati mga teachers. Nagfarewell pa nga sila kasi sakin, dahil lilipat na ako sa LaSalle noon. aww nakakatouch.
ayan, ang buhay ko noon sa Canossa, masayang balikan... masarap maging bata!
Sunday, September 2, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment