Sunday, May 27, 2007

Pirates! Brownout, Ulan.. etc

Pirates!
Wohoooo... Pinalabas na sa wakas at napanood ko na ang Pirates of the Caribbean: At World's End. At masasabing kong dabest talaga ang mga pirates. Jerry Bruckheimer at Gore Verbinski ba naman, samahan mo pa ng cast nila Johnny Depp, Orlando Bloom, Geoffrey Rush at syempre si Keira Knightley. Plus ang soundtrack na gawa ni Hanz Zimmer. Oh yeah, da best talaga sya. At sana may Pirates 4 pa. Ahahaha.

Brownout
Nakakaasar talaga ang brownout, lalo na yung mga matagalang brownout o kaya yung mga brownout na maya't maya. Last tuesday ay brownout samin ng 8am-5pm, tapos nung friday ay ganun din. Pati daw bukas at sa June 1, may 8-5 na brownout. Kakaasar naman talaga oh. Tapos kahapon, 5x yata nag brownout. Amp talaga. X(

Ulan
Weeee.... Tag-ulan na ba? Lakas ng ulan kahapon, tapos tuwing hapon, naambon na. Tag-ulan na siguro at matatapos na ang summer. Maglalabasan na ang mga gamu-gamo at mga salagubang. Enjoy kapag naulan, wag nga lang yung malakas kasi nag brobrownout.

Etc...
-Weee may bago ako cellphone
-Lalagyan na ng braces ang lower teeth ko
-Malapit na ang pasukan


PS.
Ano maganda gawin sa mga susunod na araw, lalo na kapag brownout?

Sunday, May 20, 2007

Musika, Problema, Kaibigan, Tamang Oras

Hmmm...

Musika
Ngayong araw ay naisipan kong makinig ng musika, sa totoo lang hindi ako masyado mahilig sa musika, pero marasap makinig ng musika.
Sari-saring musika ang pinakinggan ko, gaya ng mga rock, opm, pop at marami pang iba. Pero ang nagustuhan ko ay ang mga instrumentals. Masarap kasing pakinggan at mag-isip habang nakikinig ng ganitong musika. Lahat ng musika ay maganda, depende na lamang ito sa nakikinig.

Problema
Lahat ng tao may problema, pati nga ako meron (syempre). Pero ang problema ay dapat solusyonan, masama itong itago dahil magdudulot lang ito sayo ng masamang pakiramdam at maaring hindi mo na alam ang iyong maaring magawa kapag bigla itong sumabog sa iyo. May problema ang akin isang kaibigan ngunit wala ako maitulong. Hindi ko pa kasi alam ang dapat gawin sa mga ganoong bagay. Sana lang ay malampasan na niya ito.

Problema ko = Gusto ko lumabas ng Batangas! hahaha

Kaibigan
Kaibigan... kaibigan.... kaibigan... kaibigan.... hehehe Si Loki, kabait =) hehehe salamat kaibigan!

Tamang Oras
Kailan ang tamang oras? KAILAN?!?!?!?

----
Ano ba magandang gawin ngayon para naman hindi masayang ang aking summer? Magiging taong bahay na lang yata ako habang buhay.

Thursday, May 17, 2007

Mga Nakaraang Araw

Hmmm... ano ba mga nangyari nitong nakaraan araw.

Linggo
Hehehe may napagtripan kaming gawin, kaming tatlo (secret na lang kung sino yung 2) at secret na lang kung ano iyon.
Ito lang masasabi noong araw na to, *mahirap maging OP*

Lunes
Election ang araw na to. Ayoko mag comment sa election kasi hindi naman ako pwedeng bumoto.
Masaya naman ang araw na to dahil sa mga pangyayari at secret na lang kung ano iyon.

Martes
EMP! Pahinging EMP! Hahahaha.
Sa Siege, ako ang may kagagawan kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang Prism at Justice. T_T

Miyerkules
Waaa.. Madaming sirang map. Nakakaasar.
Si Dustin, may problema nanaman T_T.
At ako? Masyado yata ako Nadala nung nasabihan ako ng "noob". Eh kasi ....
Pero wala nanaman yun ngayon. ^_^

ATBP
Well, natapos ko na ang Greed Island. Kaso bitin siya. Gusto ko lumabas ngayon ng bahay para maglakwatsa, pero baka sa ibang araw na lang.

Sunday, May 13, 2007

Kasal ni Dustin at Eriza

Well... wala naman nangyayaring kakaiba sa buhay ko kaya si Dustin at Eriza muna ang topic.

Kahapon, bandhang hapon ay muling nag online si Blue sa Ragnarok. Akala ko babalik na siya pero namigay lang pala ng loots. Pero nung siege time na, kumuha ng 2.5m sakin si Blue. Nagtataka ako para saan ito, kaya naisip ko na may ikakasal yata /gg.

Naghanda kami nila Blue at Loki para sa magiging okasyon. Naghanda ng Xmas Lights (pots) bulaklak, mga dialogue at pati lugar.

Syemre naging masaya ang pagdadaos ng kasal. Feel na feel nga daw ni Dustin (naks). At pagkatapos noon ay nagpunta sila sa Jawaii at nag enjoy sa kanila honeymoon.

Sa prontera

Sa hugel

Ako... kelan kaya ako ikakasal. Wooot... hahaha

Sa kabilang banda...
Si Loki ay may sikret. Ayaw ko sabihin kasi ako ay MADAMOT.

Sa isa pa uling kabilang banda...
May ginawa akong mini video at hindi ko rin sasabihin kung ano iyon. HAHAHAHA.

next time na lang...

Thursday, May 10, 2007

Kawayan, Loki, sa Dentista, ATBP.

Ahehehe....

Kawayan
Muli kong itinuloy ang paghahanap ng mga bamboo cuts para magawa ng Straw Hat ang Sakkat. Sinamahan ako ni Loki sa Amatsu kagabi para maghanap din ng mga kawayan sa nakakatamad na lugar. Kasi ba naman ay sa 30mins na paghahanap ay 20 lng nakukuha ko, may steal na yan ha. Tapos isasama mo pa yung mga asungot na kapha na pangpagulo lang ( kaya nga asungot eh). Pero kakayanin yan para mabuo na ang Straw Hat. Oh ayan, hindi na ako masyadong tumatambay sa Payon ngayon. =)

Si Loki Jr.
Si Loki Jr., na kung tawagin ay Olibear (Oliver kasi ang pangalan eh narinig ko kay Macky yung Olibear, cute naman kaya yun din tawag ko sa kanya minsan) ay madaming kinukwento sakin na kung ano ano. Bawal sabihin kasi sikret yun pero ikwento ko yung isa.
Dati nung mga panahong kakasimula pa lang ng RO ay mayroon siyang ka close na kaibigan, tuwing umaga ay tinutulungan niya itong maghanap ng Soft Feathers para makagawa ng Sunday Hat. Ilang buwan din ang inabot para makumpleto ang 600 pcs na Soft Feather. (Ang tiyaga nila noh) Ganun din ang ginawa sakin ni Loki, tinutulungan niya ako kagabi maghanap ng Bamboo Cuts XD.
Tapos nung isang gabi, nagjojoke time naman si Loki. Meron kasi mga God Item Ingredients na galing sa mga Treasure Boxes at tinatagalog niya ito.

SnowFlakes = Balakubak
Drifting Air = Ut*t
Tread of Cat = Ta* ng Pusa
Union of Tribe = ****** sa Bayan

Masyadong maseselan ang ibang salita niyang ginamit kaya hindi ko ibubulgar.

Gusto ko sana talaga ikwento yung mga kwento kaya lang, bawal eh ~~
Mabait naman yang si Loki kahit lagi ako pinagtritripan >:), Bestprend ko na ata yan sa RO eh ahehehe. Oi Loki! Salamat sa lahat!

Sa Dentista
Nagpunta kami sa Dentista kahapon (kami ng aking ina) upang tanggalin na ang mga tahi na sanhi ng operasyon sa pagtatangal ng impacted wisdom tooth at ang pagpapalabas ng 2nd Molar na nabaon sa ilalim ng mga gilagid. So ayun, magaling na ang mga sugat at every week ay babalik sa dentista upang ikutin ang kawad na inilagay loob ng aking 2nd Molar para ito ay tuluyan ng lumabas. Sa wakas ay pwede na din lagyan ng braces ang mga ngipin ko sa baba.

ATBP.

Ako ngayon ay nanonood ng isang anime na pinamagatang Rave Master, namimiss ko lang kasi ito dahil matagal ko na itong napanood. Naalala ko tuloy nung ako ay 1st yr pa lamang. Plue~~~

Gusto ko panoodin ang Sunshine sa sinehan sa isang araw. Ano kaya ang mangyayari sa mundo kapag wala ng araw?

Napanood ko na ang DeathNote ep 30 at hindi ko sasabihin ang nangyari dahil baka mayroong ma spoil.

Gusto ko magka Death Note, katulad nung kay Arla. Pinakita sakin ni Arla ang kanyang Death Note thru Webcam. At gusto ko rin magkameron noon! hahaha~ Sino kaya ang isusulat ko sa Death Note?

Sa susunod ulit~

P.S.
Nakumpleto na ang mga Bamboo Cuts! Nagtext sakin si Loki at sinabing madami siyang nakuha! Maraming maraming salamat LOKI !!!

Tuesday, May 8, 2007

Blog, Blue, Bored, Spiderman

Ayan, unang matinong post ko.

Blog
Bakit nga ba ako gumawa ng blog?
Para naman mailabas ko ang nilalaman ng akin isipan upang mabasa ng iba (kung meron man nagbabasa) at para may mapagkaabalahan naman ako ngayon. Kasi nakakasawa na ang mga nangyayari sa akin buhay.

Blue
Si Dustin (Blue) ay tuluyang nagpaalam sa mundo ng Ragnarok kahapon. Ang kanyang mga gamit ay pinamigay na niya pati narin ang kanyang account. Nag quit na siya dahil sa mga hindi maipaliwanag na kadahilanan.
Una ay nagkaroon ng isang pag tratraydor sa kanya, pangalawa ay meron hindi pagkakaunawaan sila ni Eriza, pangatlo ay dahil malapit ng lumabas ang Granado Espada (na sabi nya sakin ay lalaruin nya daw) at siguro ay dahil mag-aayos narin siya ng buhay.
Si Blue ay isang malaking kawalan para sa amin (Justice Guild) ang kanyang presensya, malalakas na characters pati narin ang kanyang mga "the moves." Pero higit sa lahat ay ang kanyang pagiging mabuting kaibigan para sa amin. Marami na siyang naibigay na tulong sa amin gaya ng mga advice, kwento, jokes, aral pati narin boost (ilan beses nya ako naboost).
Pero may YM pa naman diyan kaya hindi naman siya tuluyang mawawala. Sana lang ay malampasan na nya ang problema nya at muling ituloy ang buhay. Habang may buhay may pag-asa!
Kung nababasa mo man ito, maraming salamat sa pagiging mabuting kaibigan mo.

Bored
Ang mga araw ko ngayon ay napakaboring, wala na ako magawa at lagi na lang nakatambay sa Payon. Nauubus na ang oras ko kakatambay. Wala narin makakwentuhan dahil wala na si Blue. Wala na ako maisip na magandang mapanood na anime. Wala na talaga ako magawa. Sa gabi na lang nagiging masaya dahil nakakapag-adventure kami ni Arla` paminsan-minsan. Nagagala kami sa mga maps ng Midgard at naghahanap ng maaaring gawin. Masarap siya kasama kaya lang... nag eenjoy pa siyang kasama ako? Boring kasi ako kasama eh, kasi naman hindi ako mahilig mag bukas ng topic. Tahimik lang akong nagiintay kung ano man ang gusto niya gawin. =)

SpiderMan 3
Napanood ko ang Spiderman 3 noong Biyernes at may gusto akong ishare sa inyo. Ito ay isang video clip na galing sa Spiderman 3. Ang sayaw na marahil ay nagustuhan at kinainisan ng mga tao dahil sa hindi magandang intesyon ni Peter Parker. Pero ok naman ang kanyang pagsayaw, gusto ko nga gayahin eh. Aheheh





P.S.
May 8 nga pala ngayon at Fiesta samin. Pero bakit hindi nga ba ako lumabas ng bahay para makisaya?

Testing... Testing...

Hi, testing lang mag post sa blog.

Weeee....

Sana lagi ko ma-update to. Hahahaha.

May blog na ako! =)