Friday, February 15, 2008

School Fair 2007-2008 (2nd post)

School fair namin ngayon. De La Salle Lipa's 46th foundation week. First time ko maranasan ang fair ng college at ito ang masasabi ko.

Boring
Boring dahil nakakatamad ehehe. Kasi walang magawa sa school kaya lumalabas kami ng school para maggala na lang or mag starcraft, tekken, magpahangin, kumain, maupo at maglakad.

Malamig
Sobrang hangin samin ngayon. Siguro late ang cold months at dahil late din siguro nagkasnow sa ibang bansa kaya ngayon malamig sa Pinas.

Maingay
Sobra daming sound system na nagkalat at napakaingay. Isama mo pa yung daldalan ng mga estudyante, busina ng mga sasakyan pati mga nagpapatugtog ng kanilang cellphone at ipods/mp3 players.

Walang Kwenta.
Oo walang kwenta haha. Wala kang magagawa kundi gumastos (sabi nga ni boris). Kawawa daw kasi wallet ni boris at mabuti pang wag na lang pumasok at matulog sa bahay para tumaba ang wallet. Eh ako hindi naman masyado nagastos pero napapagastos padin. Ang lakas mo kasi gumastos eh~!!! heheh

Bukas ang katapusan ng School Fair. At balak kong hindi na pumasok....

0 comments: