May kwento ako sa inyo. Ganito yun.
May contest na magaganap ang mga 1st year colleges dito sa school namin. Dance contest ito na dapat salihan ng bawat klaseng kumukuha ng PE na 1st year.
Ang klase ng G1A (klase ko yan) ay kasali dito. May rule na dapat sundin ang mga sasali. Isang rule dito ay ang bawal mag-hire ng Dance Instructor para turuan ang klase na magsayaw. Pero itong G1A ay matigas ang ulo. Nag-hire sila ng dance instructor para maturuan ang klase sa magaling at magandang pagsayaw.
Isang araw, habang nagprapraktis ang G1A. May isa na kumuha ng video habang nagprapraktis ang G1A kasama ang DI. Video ng video itong taong ito dahil may plano siya.
So ayun, dumating ang kinabukasan, PE time na. Nagsumbong ang taong ito sa PE teacher na nag-hire ng DI ang klase habang pinapakita nya ang video na nakuha niya bilang ebidensya na nag-hire nga ng DI ang klase. Nagalit ang teacher, syempre nagalit din ang G1A dahil may nantraydor sa kanila at ang nantraydor sa kanila ay galing din mismo sa G1A.
Tama naman ang ginawa nung nagsumbong diba? Mali na nag-hire ng DI ang G1A, at hindi naman mali na ipagkanulo ang kanyang mga kaklase dahil katotohanan naman ang kanyang sinabi. Nais lang siguro nung nagsumbong na maghiganti sa klase, or ayaw niyang mandaya ang kanyang klase. Maraming dahilan pa siguro.
Cheaters don't succeed. ^^
Friday, February 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment