Sunday, January 20, 2008

Nobuta Power.... Enter!

Nanood uli ako ng isa pang Jdrama. Yung "Nobuta wo Produce" (Producing Nobuta / Makeover). I tried watching it kasi nandun si Maki haha!

Well, ok naman yung series, may 10 episodes sya, 1hr each yung mga episodes. Ibang-iba yung Maki na nasa Hana Kimi, kung napakasaya nya sa Hana Kimi ay kapaligtaran naman sya dito. Tahimik, mahiyain, emo, walang kaibigan, anti-social, laging binubully at outcast. Pero cute parin sya at minsan nakakatawa lalo na kapag pinipilit nyang mag-smile saka kapag ginagawa nya yung "Nobuta Power~ Enter~!" kahit napakaseryoso ng mukha at boses eh, nakakatawa XD. Ibig sabihin lang nito na magaling syang actress at kaya niyang gumanap bilang isang nakakatawang character, malungkot na character at seryosong character.

Back to the series. Yung series ay tungkol kay Kotani Nobuta (Horikita Maki), isang outcast na estudyante at laging binubully. Nakilala niya sina Shuji at Akira at naisip nila na gawing pinakapopular na babae sa school nila si Nobuta. Sila ang magiging producer ni Nobuta para sumikat at magbago ng image.

Para sakin, maganda yung storyline. Kahit madaming drama, madami kang makukuhang lessons sa bawat episodes. Others might say na boring yung palabas, pero maganda sya para sakin. At saka nandun si Maki eh!

---
I watched another short series kanina. Ang title ay Deru Toko Demasho, syempre kaya ko pinanood kasi nandun ulit si Maki. Balik sa pagiging masayahin si Maki, at nakakatawa din yung palabasa.

Tungkol ito kay Shizuka (Maki), na nagtrabaho sa isang Law Office bilang assistant nung lawyer na si Nonaka. Dami sila adventures, basta ayaw ko na kwento dahil baka maspoil yung mga gustong manood.

---

At ngayon, pinapanood ko naman yung Seito Shokun. Malungkot na Maki ulit yung nandito...

Sa crunchyroll.com ko napanood yung mga jdrama na yan. hehe

Share ko lang, nakita ko sa youtube. Ang cute =p

0 comments: