Monthsary... pano ba nauso yan? Dati anniversary lang ngayon may month na, mamaya may week na tapos day na! haha
Ok ok... monthsary, malapit na.
Halos 1 month na akong hindi nakakasulat dito at dapat ay sa February pa ako maguupdate dito sa blogger. Pero wala... gusto ko kasi magsulat dahil minsan ko lang matyempuhan na may internet connection dito sa bahay namin. Ito kasing globe, lagi na lang daw silang may problema.
Sa Jan 19, oo sa sabado. 1 month na! 1 month ng may problema ang aking internet connection. Grabe parang katulad ng last year. Jan - Feb naman yung problema at digitel pa ang internet service provider ko noon at dahil sa 1 month problem na yun, nakilala ko ang globelines broadband. Simula nung Dec. 19 araw-araw akong tumatawag sa customer service ng globe, kaibigan ko na nga sila dun eh haha. 2-3 times ako kung tumawag sa isang araw, minsan nakakarami pa hanggang 6 o 7. Tumatagal ang isang tawag ng 5-7 minuto. So kung bibilangin natin kung ilang minuto na ang ginugugol ko kakatawag lamang sa cust service nila ito ay... 486 mins na ako dun katumbas ng 8 oras. haha grabe.
So ayun 1 month na nga pero umaasa parin ako na maayos ito. At kung wala na talagang pag-asa ay sa pldt na lang ako, nag-inquire na rin naman ako sa kanila.
Sa isang buwan kong walang net, halos wala paring nagbago sakin haha. Tamad parin ako, yun nga lang mas napapadalas ang paglabas ko ng bahay kahit wala akong pinupuntahan, dumami ang nagtetext sakin pero wala naman akong nirereplayan... kung nagbibigay na lang sila ng load imbis na magpasa ng magpasa na kung ano anong quotes. Mas napapatagal din ang panonood ko ng TV at maaga na po akong matulog ngayon kasabay ng tanghaling gising . Kung dati ay 10pm ang oras na ako'y matutulog, ngayon ay 8:30-9 na! Kung 5:30 ako gigising kapag may pasok, aba 6:15 na ako nagising ngayon at kung walang pasok ay mga 8-9 ako gigising. Masarap matulog kasi. Tama lang yun para lumaki pa ako, pero hindi naman ako nataba... kain na nga ako ng kain hindi naman ako nataba, kapag hindi ako nakain... hindi rin ako napayat! ano ba to!.
haha publish ko na to bago pa mawalan ng net!
Tuesday, January 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment