Hehehe umabsent ako ngayon kasi hindi ko alam. Tinatamad lang akong pumasok, saka hindi ko feel umatend ng boring classes ngayon. Ano ba `to tamad ko talaga, alam kong walang mangyayari sakin kung aabsent at wala din naman akong gagawin dito sa bahay. @_@
Well 2 classes lang naman ngayon kasi eh. Biochem saka Reled. Puro reporting lang ang gagawin. 16th reporter pa ako sa biochem, eh first day ngayon at sa thursday pa ako magrereport sa reled. Saka magbibigay lang ng midterm grade dun sa dalwang subject, alam ko na naman yung expected grade ko sa biochem, ewan ko lang sa reled... hindi ko aatendan fieldtrip nya eh.
Wag nyo ako gayahin ha! Masama ang umabsent! Sayang ang bayad sa school at sayang ang lessons.
------------
Lipa City NEWs!
Headline ngayon Lipa. Sa Villa de Lipa, yun isang tindahan doon ay pinasok ng 8 lalaki. Nilooban yung tindahan. Hindi pa sila nakuntento at ginahasa pa ang mga nandoon. 3 yata yung narape (isang 4th year HS, isang college at isang may asawa na). Ginapos ang kasama nilang lalaki at sabi daw ay sa harap pa ng mga magulang ginahasa yung bata.
AMp naman, andaming nangyayaring karahasan pati dito sa payapang lugar namin ay nagkakaganito na. Kakaawa naman sila, pero mabuti narin yun at hindi sila pinatay. So payo ko lang po ay mag-ingat tayo lagi, huwag na kayo magpagabi sa daan kasi delikado kapag napagtripan kayo ng kung ano man. So stay na lang kayo sa bahay nyo.
-----------
Horikita Maki News!
Wee nanalo si Maki ng best dresser sa isang Jewelry Convention sa Japan. Ang galing talaga nya, ganda pa. Kaya lang mukhang pagod sya at malungkot sa video pero panalo parin sya, astig talaga.
At isa pa, may bagong drama special si Maki sa March. Tungkol ito sa Japan Bombing noong world war 2. Meron din syang 2 movie na ipapalabas sa march. Wee andami nya projects!
Tuesday, January 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment