Bago nyo basahin yung entry, basahin nyo muna yung nasa link na ito.
Click click ClickMag comment lang tungkol dito sa “Usapang Lalake” Medyo mahaba to sana pagtyagaan nyo.
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni.
Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko
maintindihan. Ewan ko ba.
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan
pero lagi na lang lumalabas na parang kahit sang
anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga
lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
•Ako musta na? Ewan ko haha magulo. Anyway, yep… marasarap mag muni-muni kahit problema pa yung iniisip mo, kaya lang minsan sa sobrang kakaisip ay naiisip mo ang mga bagay na hindi mo dapat maisip. Hmm
gaya ng masasamang bagay.
Hindi nagiging patas para sa mga lalaki ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal? Well partly yes. Pero pareho namang hindi patas para sa lalaki at babae diba?
For example, bakit laging lalaki ang dapat gumawa ng first move? Wala bang karapatan ang mga babae? Bakit lalaki lang ang pwedeng manligaw? Masamang image ba kapag nanunuyo ang babae? Kadalasang sagot dito, syempre lalaki ka eh, syempre babae ka eh, matagal ng ganyan kaya ganun… blah blah
Tuloy natin…
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng
lalake na gumawa ng first move para magtapat ng
pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw
at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag
nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala
naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang
alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya.
Tingin mo?
•Sa tingin ko? For those girls who care, alam nila yun, but for those who doesn’t, wala silang pakialam dun. Oo nga, may mga ganun, mamimili lang, magpapakasaya pagkatapos nun sasaktan ka.
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang
naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa
yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para
masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya
nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae,
diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal
nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay,
tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan,
lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang
sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila.
Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang
mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di
nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha
naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga
asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na
di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na
mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila
alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang
kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip,
iiling-iling, at minsan, luhaan.
•Sadyang ganun daw, yun na ang nakasanayan eh. Maghihirap muna ang lalaki para makuha si babae. Tama, kahit ano gagawin talaga, paalipin ka kung pede mapatunayan lang na mahal mo. Pero mas maganda na idaan na lang sa pag-aalaga sa kanya, keep her safe and happy basta hindi siya mapapasama, pray for her and wish that she’s always ok. We not need any payment, sapat ng kabayaran makitang masaya sya at naaappreciate yung nagawa mo. Masakit kapag ginagawa mo na yung lahat pero hindi man lang na aappreciate yung mga ginagawa mo. Tapos nun kapag sawa na sayo, nagamit ka na, nilaro ka lang etc etc… iiwan ka na lang at hahanap siya ng iba. =(
Wala tayong magagawa, marami silang alibi.
Hindi pa ko ready eh.. ,
Sorry pero I think we should just be friends.. ,
Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba?
Hahahaha.. Better luck next time na lang muna, okay lang? ,
Give me a decade. Pag-iisipan ko muna.. ,
Para lang kitang kapatid e.. , yaddah yaddah. Isang
malaking pagsasaklob ng langit at lupa yon para
saten.
Haha ok lang yan, be patient. Hindi naman pwedeng agad-agaran. Baka may kelangan kapang gawin or whatever. Or ayaw nya talaga sayo. Sabi nga eh “Prepare for the best, but expect for the worst.” Anu… ayun gawin mo yung best mo, pero hindi porket nagawa mo na yung best, best din matatanggap mo, maari mo paring matanggap ang worst.
At hindi lang yon tol. Sa pre-relationship stage pa
lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang
hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak
ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang
dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang
magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm Teka, isipin ko.
Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat
magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at
kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung
anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung
kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng
tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad
tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan.
Ganun ata talaga.
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala
kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda,
edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay
buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
•Dapat hindi lang lalaki ang hahawak ng relationship, hindi lang lalaki ang magpapakabait, etc etc. Dapat pareho kayong hahawak ng relationship, pareho kayong faithful sa isa’t-isa, sabay kayong mag-aayos kung ano man ang naging gulo.
Tapos, pag-usapan nyo yung mga bagay na kelangan may desisyon. Katulad nung oras kung kelan mag kikita. Basta hindi late yung lalaki, baka kasi kung ano mangyari sa babae kapag pinagintay nyo, maholdap pa yan sige ka, late ka kasi eh. Pareho kayong pwedeng magbawal sa isa’t-isa, pag-usapan nyo din yun. Wag agad magagalit kapag hindi pumayag na ipagbawal. State your reasons, listen to her reasons, para hindi magulo.
Hehe Oo, minsan sumasakit na ang ulo kakaisip, tama mahal mo eh, kaya wala yun. Pero sa mga problema, dapat sabay nga kayo nag-aayos nun. ^^
Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo
magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung
magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi
yung parang pambata lang gaya nila na kesyo
magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama,
at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan.
Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
•Ewan ko lang kung sino mas sincere. Pero siguro kaya mo nasabi na mas sincere eh kasi naghihirap muna ang lalaki, at ayaw niyang mabalewala ang kayang mga ginawa. But then depende lang yung siguro. Wala na dun kung sino mas sincere mahalaga eh mahal nyo isa’t-isa diba? Mas emotional lang siguro mga babae kaya sila yung iiyak-iyak, nagiinarte. Pano kung lalaki ang magiiyak-iyak at mag-inarte? Hehe ano tingin mo dun? Pero nag-iiyakiyak din naman ang mga lalaki, patago nga lang, o kaya’y hindi na lang inilalabas. Kaya siguro madaming inaatake sa puso at naiistroke.
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong to, either
sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na
silang better saten, o kaya they need f*cking space
and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong
choice. Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na
ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na
playboy. Na nagpapaiyak.
Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga
bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang
ending: mag-ooffer sila ng friendship kuno matapos
tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila,
sawi tayo sa pag-ibig, player na ang image naten, at
higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy
ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan
nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging
single, at di na naman makakatulog.
•Huhu, eto isa pang masakit. Kapag nga nagsawa na sayo, nagamit ka na, inuubusan ka na ng pera… babye na lang. Pero kung nakahanap sila ng better sayo, isipin mo na mas sasaya sila dun sa “better sayo,” kaya nilang ibigay yung hindi mo maibigay. Para sa akin, ok lang siguro yun. Basta masaya siya dun sa “better sakin” ayus lang. Yun naman ang gusto ko maging masaya sya. Ewan ko lang, sa iba kasi iniisip nila na better parin sila. Hindi matanggap na may better nga sa kanya.
Kung ikaw ang may kasalanan, tama lang na mawasak nga image mo. Pero kung wala ka naman nagawang masama, minsan nga nalabas na ikaw parin ang masama. Ikaw na ang nasaktan, ikaw na ang kawawa, ikaw parin ang sisisihin. Aray naman to =( Tapos sasabihin pa sayo… “Hindi kita kawalan!” amf
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang
naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka
no?
Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong
hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni.
Lalagok-lagok ng alak.
Hindi mahirap maging lalaki. Pero hindi ko lang alam kung ano mas mahirap, lalaki o babae? Malay ko lalaki lang ako eh.
Aww yoyosi-yosi, inom @_@. Wag nang ganyan. Ok lang paminsan-minsa inom. Pero mas maganda kung meron kang pagkakaabalahang iba. Sports? Studies? Magragnarok ka na lang hehe~ joke.
O ayan, yan ang comment ko, Sana naintindihan nyo. Tama ba ako? Yan lang nasaisip ko eh. Sana hindi naman magalit sakin ang mga kababaihan at mga kalalakihang tinaman. Peace po tayo.
Sa mga lalaki, minsan tayo din ang nagpapaabuso kaya tayo inaabuso. Know your limits, wag sobra sa pagpapakaalipin. Mang-alipin ka din <<>
Sa mga babae naman, minsan hindi nyo alam, inaabuso nyo na pala. Know your limits, wag sobra abusado este alamin mo kung sumosobra ka na. Sabihin mo rin sa guy na wag masyado magpakabuso dahil maka malanta yun.
Yun lang po.