Sunday, October 14, 2007

The Melancholy of Emman's Sunday

Lol for the title.

I'm so bored... bored bored bored

I wish I was like Haruhi that whenever she gets bored, something pops-up to keep her entertained.

hayyy...

Gumising ako kanina mga 9:20 na siguro noon. Tanghaling gising para sa maagang tulog, 12hrs of sleep yata yun. Kumain tapos nagbukas na ako ng PC. Checked the boards, friendster and blog. After that, wala na ako ginawa hanggang tanghali. Pagala-gala lang sa internet.

Pagkatapos noon, nalaman ko pang nawawala ang exam permit ko. Malas naman oh. Ano gagawin ko bukas nyan? Kung kelan pa last test, saka pa nawala.

Then sobrang boring talaga, naghahanap ako ng mapanood na anime, wala ako makitang interesting. Kaya nagbasa na lang ako ng Fanfic ni T'wolf sa ragnaboards. Ayos na sana, may pagkakaabalahan ako... pero hindi pa pala tapos yung fanfic, broken hearted daw si author kaya hindi na nya natapos ang kanyang sulatin.

Then ayun, buti na lang si Dodge, nangungulit paminsan-minsan sa YM, gusto daw nya mag valk, pero hindi naman natuloy. Ipagpapatuloy na lamang nya ang kanyang iskolaaaaaaarrrrr sa thor.

Ayan, buong hapon nanaman akong nakatingin sa monitor. I'm so useless. Wala na yata akong pakinabang dito sa bahay. Tagapagpataas lang ng bayad sa kuryente. May exam ako pero hindi nag-aaral. Madami maaaring gawin sa bahay pero hindi ko ginagawa. Pwede naman akong lumabas ng bahay at gumala, pero nakaupo lang ako dito sa harap ng PC, nakatingin sa monitor. Napakatamad ko talaga oh! Kahit nga daw sa game sobrang tamad ko. Sitting under the tree for the whole day just like sitting infront of the computer the whole day na wala namang ginagawa. Amf! Anong mangyayari sakin dun? Ewan ko, parang may hinihintay ako eh. Hindi ko alam kung ano or sino or bahala na nga kung ano man yun.

Ano masasabi nyo? Tamad mo Emman! ~_~

EMMAN ANG TAMAD KO!!!!!! Paano kaya kung buong sembreak akong ganito? Hmp!

Saturday, October 13, 2007

SOS Brigade

SOS Brigade, galing yan sa anime na The Melancholy of Haruhi Suzumiya. Ito yung club organization na ginawa niya.

Natapos ko kanina ang panonood ng anime na 'to. 14 episodes lang naman. Ok sya, hindi nga lang chronological ang mga episodes. Kaya medyo malilito kayo kapag pinanood nyo.

Isa sa nagustuhan ko dito ay yung ending song nya, kasi sinasayaw yun. Eh ang cute ng tutog at sayaw. hahaha eto yung full version ng sayaw oh. ang cute nung unang step, yung may nagdrudrumroll pa.



tapos meron ding live version ng sayaw XD


ayan, tinestesting ko pa ngang sayawin yan kanina. hahaha

Enough with the dance song.

Yung siege naman kanina, ang konti ng Justice, naka 2 agits naman then may agit din ang Dark Justice. Naka VC ako dun hehe kaming 3 lang nila dodge at gm.

hehe~

Friday, October 12, 2007

Sweet Soul Revue or Review daw yun

Hora revue ga hajimaru
Hora okurenaide ne
Hora revue ga hajimaru
Hora wasurenaide ne


Chorus yan ng kanta. Sweet Soul Revue by Pizzacato Five, isang jap band. Luma na yang kanta. Siguro mga 7yrs old ako nyan noong nauso yan sa dito sa Pilipinas. Cute yung kanta hehe. Hora~!
Well, that's what I'm listening right now. Pang-ilang ulit na kaya to?

Haha anyway, ano ba mga pinaggagawa ko ngayon?

Nanood ng anime, pinanood ko yung Ouran Host Club, panoodin ko daw kasi sabi ng friend ko.Edi nood naman ako, pero haha wala akong makitang may kumpletong episodes noon, licensed kasi.Bida doon si Haruhi, hehe babae pala yun. Kaya nung wala na ako magawa, may naalala akong anime na may Haruhi sa title, search ko yun kasi yun na lang panoodin ko. Kaya ayun, pinapanood ko ngayon The Melancholy Of Haruhi Suzumiya.

Speaking of animes, try nyo panoodin yung School Days TV. Madami lessons dyan, kaso medyo green mga scenes.More of an ecchi, pero dami kayo matutunan dun especially sa life and relationships.

Kagabi naman, mga 1:30 na ako nakatulog noon, actually hindi pa dapat ako tutulog noon, nahuli lang ako nagamit pa ng PC at around 1:30am haha napagalitan tuloy. Saya pa naman makinig ng mga voice chats ng mga kaguild ko.

Sa Valkyrie naman, parang tinatamad talaga ako dun. Ewan ko, maybe because of bots or ayaw ko lang talagang maglaro ngayon. I recently stopped playing Perfect World. Wala yata ako gana maglaro.

Dami ko gusto gawin at matutunan, gusto ko matuto gumawa ng flash animations kasi doon makagawa ng sarili mong animated movie. Gusto kong matutong mag drive, kasi sayang naman yung isa namin sasakyan, di ginagamit.

Dapat pala nakasama na lang sa mami, nagpunta kasi sya sa States, may aayusin saka mamasyal na rin dun siguro. Haha pero yoko, yoko pa alis ng Pilipinas hehe, dami din ako gusto gawin ngayong sembreak. Attend pa ko ng EB ng Justice. Gusto ko din tumulong sana sa paggawa ng booth sa LULive pero anlayo naman nun.

Haha nood muna ako ulit ng The Melancholy of Haruhi Suzumiya.

Thursday, October 11, 2007

Ewan Eman EWAN~!!!

Haha yeah, back to blogging. One more exam 'til sembreak.

Haha I feel bad. Haha tawa na lang tayo haha.

Amf.

Seriously, well... galit sakin friend/classmate ko. Bakit? Nagkamali kasi ako.

Kahapon, nagtanong siya ano oras ng exams namin ngayon. Sumagot naman ako, sabi ko "9am, 9 ewan basta, di ko sure." PERO ang exams pala namin ay 8am! Maaga naman ako pumasok nun kaya la problema. Pero siya syempre dahil sakin 9am sya papasok. Amf gawa ko kasi eh. Kaya ayun, galit sya.

Yes, may pagkakamali ako, mali ang information na binigay ko na nagresulta sa ganun. But then may pagkakamali din sya. Ayan ang nakukuha ng mga naasa lang sa iba, hindi mo na intindihin mga responsibilities mo dahil may kaibigan ka naman, may mapapagtanungan ka naman. Siguro he trusted my answer, lagi naman nya ako pinagtatanungan eh, pero ngayon nagkamali ako. It's not bad to trust, but it's better to doubt and double check. Yan ang natutunan ko ngayon. Hindi naman laging tama ang sagot ko, nagkamali ako.

Eto lang masasabi ko. Alam ko badtrip ka, gawa ko eh. Pero wala na magagawa kasi nangyari na, kasalanan ko. Kasalanan natin. I gave an information I wasn't sure of. You should do your responsibilities, not just always depending on others. I think, you should know the schedule by yourself. Well, I hoped we both learned a lesson here. I'll give you time to think, cause I know you don't want to talk to me right now. Just be cool, wag na mabadtrip. Bayaran ko na lang sayo yung special exam. Napagastos ka pa tuloy. Sorry.
Well, I hope this is over.

On the other hand. Valkyrie? May bago server na inilabas ang RO. Ito ay ang Free to play server na Valkyrie. Madami nag try na guildmates ko from thor? Should I join them? May novice na ako soon to be mage, kaso nakakatamad maglakad.

Hindi muna ako mag Perfect World. Madami ako gusto gawin. Wag muna PW. Mapapagastos lang ako dun. Nagiipon pa naman ako para sa.

Madami pa ako gusto isulat. Ito muna sa ngayon at mahaba pa naman ang bakasyon.

Sembreak here I come.

Monday, October 1, 2007

Busy waaaa

October na! Matatapos na pagkabusy ko!

Lapit na din matapos 1st sem, at nandyan ang sembreak.

hehehe looking forward to those events this month at madami pang events.

Justice EB
Birthdays, bat andami may bday ng october?
Finals
Sembreak
Halloween
etc etc..