Monday, September 17, 2007

Hayy hindi maka post masyado

Busy kasi eh, dami ginagawa ngayon at gagawin. Madami sana ako gustong ilagay pero hindi ko rin alam kung ano ilalagay ko. Hahaha~

Ito mga ginagawa ko ngayon~

Ragna - always hehe
YM - OL naman ako lagi sa YM eh
Reading - Kelangan ko daw basahin yung Deception Point by Dan Brown by next week at hindi ko pa ito nasisimulan ngayon.
Anime - I'm also watching different animes.
Manga - binabasa ko ang Manga ng Ichigo 100%
BookReport - amf ka comski
School - hehe dami din ginagawa sa school


ayan ang ilan sa mga nagpapabusy sakin kaya hindi ako maka-update masyado.

Saturday, September 8, 2007

My Top 3 Ragnarok Moments: Mga hindi makakalimutang karasnasan sa pRO

Waukster Online, a blog that gives you an inside scoop in Ragnarok Online 2, is giving away rare Ragnarok merchandise like Goblin Figurines and Merchant Saving Boxes! To enter, you just have to write your top 3 Ragnarok moments and this is my entry.

Note: Must be viewed using FIREFOX

Ragnarok, not just a game…

Medyo matagal-tagal naring panahon simula noong unang naglaro ako ng pRO. Madami na akong na-experience, nakasalamuha, nakilala, nakaaway at naging kaibigan. Nagsimula ako noon sa Fenrir Server at nang lumabas ang Thor Server ay agad akong lumipat doon. Sa dami ko ng “moments” dito sa laro na to, gusto ko sa inyong ibahagi ang tatlo sa hindi ko makakalimutang “Ragnarok Moments.”

#3 Ragnarok Moment on my list: Fenrir Server 61-70 – Ang Barkadahan

Noong unang pasok ko palang sa 61-70 PvP room ng Fenrir, agad akong sinalubong ng isang Extrimity Fist galing sa isang aggressive na character. Nainis ako at sinabi ko sa sarili na babawian ko yun. Ngunit pagbalik ko ay nag-sorry ang pumatay sakin, paraan lamang daw nila iyon upang i-welcome ang mga bagong salta sa 61-70. Natuwa naman ako at winelcome nila ako. Araw-araw ay pumupunta na ako doon upang maki-tambay sa kanila hanggang sa ito na lang ang lugar na pinupuntahan ko sa Midgard, ako’y naging residente ng 61-70 PvP room ng Fenrir.

Masaya ako at madami akong naging karanasan dito. Nagkaroon ako ng mga kaibigan, kakwentuhan, kaaway at katambayan. Hindi ko makakalimutan ang mga nangyari samin noon, naaalala ko pa nang minsan ay may dumating na isang guild na ginawa upang kami ay paalisin sa 61-70, pero hindi nagtagumpay ang kanilang mga plano, walang makakatalo sa samahan namin noon wala silang nagawa kundi lumipat sa 71-80. Minsan ay nagkakaroon din kami ng away, nagkarambol-rambol at nagpatayan ang mga magkakaibigan pero konting tampuhan lamang iyon, pagkatapos ng madugong labanan ay nagkakabati-bati naman kami.

Gumagawa din kami ng mga activities, nag-oorganize kami ng 9on9 at parang mala-RPC championship ang labanan. Napakasaya talaga. Pero hindi lahat ng bagay ay maaaring magtagal…

Hindi nagtagal at onti-onting naging ghost room ang 61-70. Pakonti ng pakonti ang mga dumadalaw na tao, karamihan sa mga kabarkadahan naming noon ay umalis na upang ipagpatuloy ang kanyang buhay na hindi kasama ang pRO. Hanggang sa isa o dalawa na lamang ang kadalasang tambay dito. Dumating ang Thor Server, lumipat ako sa Thor sa kadahilanang nawala ang mga kaibigan ko sa 61-70.

Hindi ko makakalimutan ang mga Extrimity Fist kong natanggap, ang Soul Destroyer na pumatay sakin at ang mga kaibigan kong laging nagiintay sa akin na mag-online para lamang makipagkwentuhan at sama-samahang makipag PvP sa invaders ng 61-70.

Narito ang isang video slide ng mga “moments” ko sa 61-70… Ang Barkadahan

#2 Ragnarok Moment on my list: Justice Guild – Thor Server – My Family

Ang Guild System ang isa sa pinakamagandang feature ng Ragnarok Online. Dito kadalasang nagsisimula ang magandang samahan ng mga players sa kapwa players. Nandiyan ang guild upang sama-samang mag-WoE, magbosshunt, o di kaya ay magchat lamang.

Isang araw sa Thor, ako’y naghahanap ng masasalihang guild. Nagpunta ako ng Prontera, Morroc at Alberta, sa kasamaang palad ay walang tumanggap na guild sakin, mukha yata akong weak or akala nila ay wala akong maitutulong sa kanila kaya ni-reject nila ang offer kong sumali. Nagpunta ako ng Payon baka sakaling may nakatambay na guild doon at doon ko unang nakita ang Justice. Kinausap ko si King Arthur, ang Hari (Guild Master) ng Justice at tinanggap niya ako bilang member niya. Masaya ako at may guild na ako, ang sabi ko sarili ko na pagsisilbihan ko ang guild na to sa abot ng aking makakaya, hanggang sa ngayon ay ako ang “Secret Weapon” ng Justice.

Ang Justice na pinamumunuan ng isang striktong Guild Master ay kasalukuyang lumalaban para makapasok sa RPC2007. Sama-sama kaming nagsisiege, to make history, make Justice proud and to prove that even a small guild like us could make a difference.

Minsan ay may Boss Huting Session ang Justice at sama-samang pinapatay ang mga boss tulad nila Lord of Death, Eddga at iba pa. Minsa’y may quest session kami at sabay-sabay na ginagawa ang isang quest at nagtutulungan.

Sa Justice ko nakilala ang mga mabubuti kong kaibigan ngayon. Lagi silang nandyan kapag may problema ako at may kailangan ako. Handa silang tulungan ang mga nangagailangan ng hustisya este tulong. Nandiyan ang Justice League este Guild para ako’y pasayahin at makinig saking mga hinaing.

Justice will always prevail. No Bots, All Glory. Ilan lamang iyan sa mga motto ng Justice.

Oo nga pala, kilang kilala ang Justice sa pagiging Anti-Botter Guild nito, Justice ang kelangan ng mga “fair” players tulad ng mga players sa Thor.

Sa hirap at sa ginhawa, sa bug at sa lag ang Justice ay laging sama-sama.

Ito ang video slide na ginawa ko noong araw na nasira ang database ng thor, kasalukuhang may YM conference kami noon habang ginagawa ko ito.

#1 Ragnarok Moment on my list: Arla`, Calaii`, Hyperbole`, etc etc XD

Kaibigan, ito ang pinakamagandang naibigay sakin ng pRO.

Lahat tayo ay may nakikilalang kaibigan, best friend, good friend, close friend, boyfriend at girlfriend. Pero ako, meron akong special friend.

Si Arla, kaguild ko ayan. Tahimik lang siya, kaya hindi masyado napapansin. Lagi ko siya nakikita nakaupo sa Prontera then mag Phil. Flag emoticon lang ako kapag nakikita ko siya. Una ko siyang nakausap noong nagparty kami sa Sleepers then nasundan iyon noong nagpatulong siya sa BioLab Permit Quest. Tahimik lang talaga sya, kaya ayun gusto ko siyang makilala noon.

Isang araw, nagPM sya sakin, nagtatanong kung saan maganda magpalevel ng Merchant para gawing Blacksmith. Eh, hindi naman ako busy noon saka natutulog pa yung tinatank ko, so I offered her a boost. Ayun, doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Naging close kami. Party kami, quest, hunt ng items, boost, at kung ano ano pa. Lagi kami nag-eexplore sa Midgard at madami na kaming napuntahang magagandang lugar.

Lagi ako nasa Payon, nakatambay buong araw. Nangyari ito simula nung naging friend ko si Arla. Sa nagtataka sila bakit ako lagi nandoon, eh ito ang rason: Nag-iintay ako sa kanyang pag-online. Kahit alam ko na gabi pa siya magoonline eh, nandun lang ako sa Payon naghihintay, dahil excited na ako sa gagawin naming adventure plus masaya ako kapag kasama siya.

Ito ang ginawa kong video slide noon para sa kanya na naglalaman ng mumunti naming adventure at “moments.”

June 26, 2007, Para Ordenance and Arla` got married… Such a wonderful moment.



Ito ang tatlo sa mga treasured moments ko sa pRO. Masarap balik-balikan, talagang hindi ko malilimutan ang mga moments na ito.

RO has been a part of my life and will be a part of it forever.

Once again, Ragnarok Online… Not just a game~!


Thank You Waukster for sponsoring a blog contest like this where we can share and also read each other's memorable moments.

Sunday, September 2, 2007

My Elementary Days

"Ber months" na, malapit na ang pasko! haha

Hahaha anyway, wala ako maisip na topic na maisulat, at naalala ko lang din ang elementary days ko kaya iyon na lang ikwekwento ko dito sa blog.

Here it goes,

Sa Canossa Academy ako nag-elementary, lapit lang kasi sa bahay namin, paglabas ng bahay namin ay kita na ang school at 2min walk lang sya. Kaya hindi ko naranasan ang mag service, ihatid, sunduin dahil naglakakad lang naman ako, nauwi pa nga ako pag lunch eh.

Grade 1:
Saint's ang mga section sa Canossa, St. Dominic ako noon at wala ako masyado maalala noong grade1 ako, class officer ako noon at hindi ko na tanda kung anong posisyon.

Grade 2:
Nako d ko maalala section ko nung grade 2 haha nabura na yata sa ala-ala ko ang pagiging grade2.

Grade 3:
Ayan medyo may memory ako tungkol sa pagiging grade 3 ko. St. Rose of Lima ako noon at adviser ko si Mrs. Matanguihan, class vice-president din ako nung grade 3. Lagi ako naglalaro noon ng touching/tanching ball ba yun? Tapos gerbase at kung ano ano pa. Best friend ko noon ay si Marco, kaso nawala na sya eh, nagpunta ng Canada. Basta ang alam ko noon masaya ako nung grade 3, tambayan ko ay sa may lobby kasi malapit doon ang classroom namin. Favorite din ako ng mga teacher noon, hehehe. At si ano nga pala, classmate ko noon hahaha. Tapos nasa uhanan ako nung field demonstration wahehe, kakahiya pero ayos naman ang performance yeah!

Grade 4:
Ala, hindi ako naging masaya noong ng grade 4 ako. St. Bartholomew ako noon at ang adviser ko ay si Mrs. Baguilat. Nakaaasar maging Class President ng isang napakagulo at madaming pasaway na klase. Nakakaiyak, nakakaiyak talaga dahil ang hirap maglead. AMF! Kaya yan, tinatamad ako pumasok at madami ako absents dahil nga nakakaiyak ~_~. Pero nakaraos din naman, nahirapan talaga ako nung grade 4, sa classmates, ala ako friend, hayy hehe. Oo nga pala sabi sakin ng adviser gumamit daw ako ng Kamay na Bakal, pero d parin kinaya.

Grade 5:
St. Paul, si Mrs. Mapoy. Masaya, natapos na ang paghihirap at Class Treasurer na lang ako, nakakilala ako ng mga mabubuting kaibigan, sina Sancho at Ern. Madaming naging experience, nacandidate ng Mr. Ecology haha pero talo. Naintroduced ako sa mundo ng Pokemon Cards, naadik, tuwing free time eh tambay kami dun sa labas ng corridor o kaya dun sa tapat ng pinto ng classroom tapos maglalaro ng Pokemon Cards. Masaya din naging fieldtrip ko noon dahil nag-enjoy eh haha. Masaya, masaya. Hmm ano pa ba, ayun taga-gawa nga pala ako noon ng mga love letters ng mga classmates ko, ako kasi marunong gumawa noon ng greeting card sa computer. Kaya lagi may lalapit akin, "Emman, pagawa naman ng ano o, para kay ano haha!" Kaya dami ko alam ng secrets noon tungkol dyan na si ano ang secret admirer ni ano /gg!" Tapos ayan, napasali ako noon ako sa varsity ng soccer dahil nirecruit ako ni EJ. Nagtry-out ako then pasok agad kaya tuwing hapon, pag hindi ako nagpopokemon cards eh nasa field ako nagtatakbo.

Grade 6:
Yeah, graduation ng elementary. Noong grade 6 ako madaming friends isa na dun sila, Joey, Godfrey(Dodong), Patrick at Melvine, saka pati na yung mga Adelina girls. St. Luke at si Ms. de la Cueva ang adviser. Madami akong classmate ng kapitbahay ko, pati nga adviser kapitbahay ko eh. Ang tamabayan ko noon ay sa pintuan ng TLE building, maganda kasi doon at konti ang tao mahangin at malamig pa, ganda pa ng view dahil nasa tapat ng back garden. Tuwing, umaga hindi ako sa classroom napunta kundi doon, sa tanghali at reccess nandun parin. Pagtanong samin, bat kami lagi nandoon ang sagot namin ay "binili na namin to eh! haha." Tapos may hide-out pa kami sa 3rd floor noon, sa ilalim ng hagdan, yung hagdan na yun ay short cut papunta sa 2nd floor kaso sarado na yun, kaya inayus namin at nilagyan ng kung ano ano, dito din kami nagtatago ng mga kung ano ano din at tumatambay kapag sawa na kami dun sa may TLE building. Nakagraduate din at masaya hehe. Treasurer parin pala ako ng klase.

Isama na din natin ang 1st year Highschool dahil Canossa pa din ako noon, at parang elementary padin eh.

1st yr HS.
St. Columban at si Mrs. Carpio ang adviser. Madaming new faces galing sa ibang school. Maayos naman, at Treasurer nanaman ako! Sarap mangurakot! Joke lng. Naalala ko noon na napasali ako sa Battle of the Bands, basta na lang ako na recruit eh at tinanggap ko naman para may excuse sa klase at hindi makasali sa cheer dance haha. Kami lang yung banda na Freshies noon at ang mga kalaban namin ay mga 3rd/4th yrs at mga galing pa sa ibang school. Guess what? Nakachamba kami ng 3rd place out of 6 o 7 yata yung sumali. Ano! talo sila ng freshies! Ako ang tumugtog ng keyboards, H20 name ng banda namin. Noong 1st yr ang tambayan namin ay dun sa corridor o kaya sa tapat ng classroom, nakahara sa pinto. Para akong sekyu haha. Then naranasan ko na pag-agawan ng babae. Oo, hindi ko alam pinagiinteresan pala ko :O kaya pala ganun yung dalwang yun tapos ehh parang ako pa yung sinusuyo amf. Pero ala ako panahon noon eh, kaya na dedma sila. Tapos eh natatandaan ko si Ezek sinaksak ng ballpen sa kamay yung kaklase ko dahil nagulat nung nahagisan ng gagamba! Tapos ay ayun, mabait sakin mga kaklase ko pati mga teachers. Nagfarewell pa nga sila kasi sakin, dahil lilipat na ako sa LaSalle noon. aww nakakatouch.

ayan, ang buhay ko noon sa Canossa, masayang balikan... masarap maging bata!